| rr cervantes ( @ 2008-10-11 06:25:00 |
Random Talking Person and Jolo Revilla
Tungkol na naman ito sa Mr. Kabab foodtrip namin yesterday.
May napakaweird na babae. As in. E di nakaupo lang kami nina Cholle at nag-uusap then me isang babaeng nagsalita ng malakas na me slight hint ng galit. Tapos sa akin nakatingin.
So ako naman, parang naweirduhan kung bakit nya ako kinakausap. Tapos tinanong ko kina Cholle kung anong sinabi nung babae. Tapos di lang namin naiintindihan. Kala ko nga foreign language e.
Syempre di ko naman sinasagot. Pero mga every 5 minutes magsasalita na naman siya habang nakatingin sa akin. Parang ako, ano ba.. Haha.
Tapos nung mag-oorder na kami, tinanong namin yung waitress kung ok lang ba yung babae. Sabi nung waitress, ganun daw talaga yun. 2nd day na raw nun kumain sa Mr.Kabab. E nagbabayad naman daw, so ayus lang sa kanila.
Mga tipong "wala ka ng pera" "europe" "ang gwapo nung lalaki kaso" yung mga sinasabi nya. Minsan english, minsan tagalog. Basta kapag sinabi kong random words, random talaga. Tapos minsan dun naman sa mga pulutong ng waitress nakaharap habang nagsasalita. [off topic: bakit nga ba laging kumpol kumpol ang mga waitress sa Mr.Kabab]
Buti na lang pala at hindi ako naging polite nung una nya akong kinausap, yung tipong "ano po yun?" kasi baka mas lalo nya akong kinausap ng weird.
Andami tuloy naming theories tungkol sa babaeng yun. Naisip ni Bodz na baka marketing strategy lang nila yun. Yung tipong acting lang pala yun para mapag-usapan ng mga tao yung Mr.Kabab. Tapos dadami yung mga tao para makita si Random Talking Person. Or isusulat sa blog.. uh-oh nag-fall ako sa kanilang marketing campaign. Tsk tsk.
Naisip namin na baka form of entertainment din, kasi walang background music. Background random talking lang yung meron. Haha.
So nung umalis na yung babae, naisip namin na nawala na yung form of entertainment. E wala namang background music din.
Tapos sakto, dumating si Jolo Revilla kasama yung isang ka-date nya saka driver. E di nagkagulo yung mga waitress. Hay nako, isa na namang marketing strategy naisip namin. Hahaha.
Hanep sa Mr.Kabab napakaraming happenings.