You are viewing [info]cerrvi's journal

January 2009   01 02 03 04 05 06 07 08 09 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31

Pagtulog at mga tupa

Posted on 01.06.09 at 07:36
Nahihirapan ba kayong matulog lately? Malamang may nagbigay na sa inyo ng advice na magbilang ng sheeps di ba.

Naalala ko lang kasi na nung medyo bata-bata pa ako, sinusubukan ko yung gawin. Pero mas nagising pa ako. Hehe.

Ayun, yung mga sheeps kasi na binibilang ko tumatalon sa parang hurdle. Tapos may mga masasama at madadayang mga tupa. Sa ilalim ba naman ng hurdle dumadaan. Ayun, nagkakasabay sabay tuloy sila. Naimagine niyo ba? Haha.

Mas nagigising tuloy ako kasi nasstress ako sa mga magugulang na tupa yan. Nakakalito tuloy magbilang. Nirerewind ko pa tuloy sa utak ko yung mga sheep na yan.

Hahaha.





Hindi ako vain, isang realisasyon

Posted on 01.04.09 at 11:21
Oo. Hindi pala ako talaga vain na tao. Its true..

Nagtitingin ako ng mga pictures sa laptop ko.. Tapos napansin ko, wala pala ako gaanong pictures ng sarili ko rito. Mas marami pang mga pictures yung mga halaman, bulaklak at kung anu ano pa.

What a realization.

Tapos naisip ko rin na hindi rin naman ako particular sa mga isusuot or itsura ko. Ang gusto ko lang, presentable akong tao. Na nahihirapan pa akong magawa kadalasan. Haha.


Happy New Year sa lahat.


Christmas morning. 9:30am mass sa Resurrection Parish sa BF Homes.

Ok. Habang naghihintay ng misa, biglang may dumaan na tao na may mga alipores. Di ko napansin nung una pero sinabi ni papa na parang kilala niya kung sino yung naglalakad papuntang harap ng simbahan.

Tapos nung uupo na, oh yes, si MMDA Chairman Bayani Fernando. Medyo weird kasi taga-Marikina siya di ba. Bakit siya magpupunta all the way to Paranaque para magsimba. At pasko pa nun. Tapos nung homily, pinatayo siya nung pari. Nagpalakpakan naman yung mga tao.

Pagkatapos ng misa, tinawag siya nung pari sa parang podium para magbigay ng maikling pagbati. Ang pambungad niyang pagbati ay "Siguro alam niyo na kung bakit ako nandito"

Hmm.. (ehem cholle, joel) Pa-sense si BF? Hahaha. Obvious naman na tatakbo na sa eleksyon. Hahaha.

Anyway, naggreet siya ng Merry Christmas sa mga tao after. Tapos tong sila mama at papa naman, kinausap si BF after na parang close family friend lang namin. Hahaha. So ayun, pinakilala kaming magkapatid ng magulang ko kay BF.

So ayun, kaya ko nakamayan ang susunod(?) na pangulo ng pilipinas.


Moral Lesson: It's never to early para magpa-sense. Kapag may pangarap, dapat maagap.



*note: di ko sinasabing sinusupport ko si BF for president a. baka may mga magcomment dyan from "our friends" (ehem cholle, the face of __ in engg). Haha.



Oo na nga, may bago.

Posted on 11.23.08 at 08:01
Siyet, di ko na ikakahiya. Totoo nga, may bago.

Ang galing ng pagkakataon no, may mga bagay bagay na di mo inaasahang mangyari na bigla na lang darating sa harapan mo.

Bakit di kita matanggal sa utak ko. Siyet. Alam kong hindi matutuwa ang ilan kong mga kaibigan dito. Sorry talaga. Cheap na kung cheap ang taste ko para sa inyo. Iba na tingin ko. Walang cheap cheap. Basta masaya ka, dun ka. Di ba ganun naman dapat yun.

Aminado ako at alam mo naman na yun, na iniisip ko dati na hindi kita magugustuhan kahit kailan. Pero nung dumating ka, nag-iba lahat yun.

Ang pinakamasayang mga bagay sa mundo ay yung mga hindi mo inaasahan.

Hay. Kung bakit kasi ang sarap sarap mo. Kakaiba ka talaga.

Siyet, addicted na ako sa yo.


Maraming salamat sa pagdating mo sa buhay ko Jollibee Amazing Aloha.


* Pero totoo, nagkakagusto ako lately sa Jollibee burgers. Me isang beses, in denial pa ako, pumasok ako sa Mcdo. Tapos tinignan ko lang yung menu board sa taas. Tapos wala akong maorder. Lumipat tuloy ako sa Jollibee. Hahay. Haha.






Undin nasa Viewing History ko!

Posted on 10.11.08 at 06:41
Oo, may isang beses nakita ko sa viewing history ko yung undin. As in yung undin sa Shake, Rattle and Roll 3. E di nakakatakot yung headshot. Eto siya o:
http://momel8.multiply.com/journal/item/5/Presenting_Debberly


In fairness may sense of humor naman pala siya considering halimaw siya. Siguro kasi nakita nun na nagpost ako ng video nya. http://cerrvi.multiply.com/video/item/7

Haha.


Random Talking Person and Jolo Revilla

Posted on 10.11.08 at 06:25
Tungkol na naman ito sa Mr. Kabab foodtrip namin yesterday.

May napakaweird na babae. As in. E di nakaupo lang kami nina Cholle at nag-uusap then me isang babaeng nagsalita ng malakas na me slight hint ng galit. Tapos sa akin nakatingin.

So ako naman, parang naweirduhan kung bakit nya ako kinakausap. Tapos tinanong ko kina Cholle kung anong sinabi nung babae. Tapos di lang namin naiintindihan. Kala ko nga foreign language e.

Syempre di ko naman sinasagot. Pero mga every 5 minutes magsasalita na naman siya habang nakatingin sa akin. Parang ako, ano ba.. Haha.

Tapos nung mag-oorder na kami, tinanong namin yung waitress kung ok lang ba yung babae. Sabi nung waitress, ganun daw talaga yun. 2nd day na raw nun kumain sa Mr.Kabab. E nagbabayad naman daw, so ayus lang sa kanila.

Mga tipong "wala ka ng pera" "europe" "ang gwapo nung lalaki kaso" yung mga sinasabi nya. Minsan english, minsan tagalog. Basta kapag sinabi kong random words, random talaga. Tapos minsan dun naman sa mga pulutong ng waitress nakaharap habang nagsasalita. [off topic: bakit nga ba laging kumpol kumpol ang mga waitress sa Mr.Kabab]

Buti na lang pala at hindi ako naging polite nung una nya akong kinausap, yung tipong "ano po yun?" kasi baka mas lalo nya akong kinausap ng weird.

Andami tuloy naming theories tungkol sa babaeng yun. Naisip ni Bodz na baka marketing strategy lang nila yun. Yung tipong acting lang pala yun para mapag-usapan ng mga tao yung Mr.Kabab. Tapos dadami yung mga tao para makita si Random Talking Person. Or isusulat sa blog.. uh-oh nag-fall ako sa kanilang marketing campaign. Tsk tsk.

Naisip namin na baka form of entertainment din, kasi walang background music. Background random talking lang yung meron. Haha.

So nung umalis na yung babae, naisip namin na nawala na yung form of entertainment. E wala namang background music din.

Tapos sakto, dumating si Jolo Revilla kasama yung isang ka-date nya saka driver. E di nagkagulo yung mga waitress. Hay nako, isa na namang marketing strategy naisip namin. Hahaha.

Hanep sa Mr.Kabab napakaraming happenings.


Fruit Salad with Okra

Posted on 10.10.08 at 23:08
Yes, you heard it right. Fruit salad with okra.

After 198 class, nagkakitaan kami ni Cholle at Bodz. At di ko na namalayan kung paano nakarating yung usapan sa prutas at gulay. Ah naalala ko na. Sa Mr.Kabab pala. Dapat kami lang ni Cholle kakain ng lunch pero si Bodz napasama. Anyway, eto yung usapan. Pare-parehas na keema with eggplant yung kinain namin.

Cholle: Alam mo ba yung keema lang, walang tomatoes and cucumber.
RR: Ah, e di dapat yung keema with eggplant dapat na tawaging "keema with vegetables"
Cholle: E yung kamatis naman di ba fruit, so dapat "keema with fruit and vegetables".
Bodz: E yung cucumber naman saka eggplant fruit din.

Sabi ni Bodz, ayon sa kanyang Bio1 teacher, lahat ng may seeds ay fruits. So ang okra ay fruit? Shet. Di kami naniwala ni Cholle. Tapos naisip namin ni Cholle, e di kapag yung grape ay ginawang seedless, vegetable na? Haha. So yung seedless grape, pwedeng ilagay sa pakbet dahil vegetable naman siya.

At yung okra, pwede mo ng ilagay sa frut salad dahil fruit naman siya?


So ngayon, nagreseach ako sa net. Eto yung info galing sa AskOxford:

The confusion about 'fruit' and 'vegetable' arises because of the differences in usage between scientists and cooks. Scientifically speaking, a tomato is definitely a fruit. True fruits are developed from the ovary in the base of the flower, and contain the seeds of the plant (though cultivated forms may be seedless). Blueberries, raspberries, and oranges are true fruits, and so are many kinds of nut. Some plants have a soft part which supports the seeds and is also called a 'fruit', though it is not developed from the ovary: the strawberry is an example. As far as cooking is concerned, some things which are strictly fruits may be called 'vegetables' because they are used in savoury rather than sweet cooking. The tomato, though technically a fruit, is often used as a vegetable, and a bean pod is also technically a fruit. The term 'vegetable' is more generally used of other edible parts of plants, such as cabbage leaves, celery stalks, and potato tubers, which are not strictly the fruit of the plant from which they come. Occasionally the term 'fruit' may be used to refer to a part of a plant which is not a fruit, but which is used in sweet cooking: rhubarb, for example. So a tomato is the fruit of the tomato plant, but can be used as a vegetable in cooking.

Parang nagulo lahat ng paniniwala ko mula pagkabata. Pero nalinawan naman din.

Ang gulo na malinaw no.

Haha. Sana may general term na lang para sa gulay at prutas. Parang magkaa-away ba masyado yung mga yun? A ewan. Bakit ba to pinoproblema to?


Pansayang oras lang. Haha.


Tunog at Tugtog

Posted on 08.30.08 at 01:05
Napakaraming taong may mga mp3 players. Kahit saan ka magpunta, pihadong mayroon dyang nakaheadset habang naghihintay, naglalakad o nagtitingin tingin. Yung sa akin lang, mas masayang makinig sa mga totoong tunog ng buhay. Mas masarap pakinggan ang mga taong tumatawa kumpara sa ano mang birit o hiyaw ng kumakanta. Mas masarap makarinig ng ingay ng mga bagay sa kapaligiran at kalikasan kaysa sa mga tambol at gitara. Hindi naman ako tutol sa mga taong mahilig sa mga mp3 players. Yung sa akin lang ay wag naman lagi. Masaya ngang makinig sa musika para magpadala sa mga saliw ng kanta, ngunit wag naman tayong kumalimot sa mga tunay na ingay ng buhay. Marami pang nangyayari sa mundo habang ikaw ay nakikinig sa mumunting kahon na iyan. Kanya kanyang trip lang yan. Yack nagpakadramatic na naman. Hehe.


Pekeng Pagka-busy

Posted on 08.26.08 at 11:53
Mga tao sa blog minsan reklamo ng reklamo na sobrang busy nila.

Naisip ko tuloy, kung sobrang busy ka, e di sana hindi ka na lang nagsayang ng oras sa pagbablog.

Minsan mga papansin lang e. Na tipong para magcomment yung mga tao na "Ok lang yan" shit. Di ba.

Ako nga rin sobra sobrang daming kailangang gawin.


Ohoy, contradicting myself a. Haha. Para di naman masyadong kontra sa sarili, tatapusin ko na to.


What's the title of that blue book? story

Posted on 06.12.08 at 03:26
Hindi ito personal experience, nakwento lang ni Jenine sa CREST tambayan. Ayun, para sa mga hindi taga UP ipaliwanag muna natin kung ano ang blue book.

Blue book - Alternatibong sulatan ng mga taga-UP. Kadalasang ginagamit tuwing quizzes at long exams. Parang notebook na me 8 leaves lang. Kamukha ng mga filler na ginagamit sa mga binder.


Nagmahal na ang matrikula sa UP dahil sa kakulangan ng budget sa edukasyon(naging aktibista). Basta ang gusto kong sabihin, mas dumarami na ang mga nag-aaral sa UP na mga mayayaman kasi yung ibang mga tao, di na kayang matustusan ang pag-aaral sa taas ng bayad. Yung iba naman, mas pinipili na lang sa mga pribadong unibersidad dahil di naman na nagkakalayo ang tuition ng mga iyon.

Dahil dito, dumami na yung mga conyo sa UP. Weird nga e. Parang dati mas mga masa yung nasa UP.

Anyway, nalilihis sa kwento.

Ayun, basta etong si Jenine daw me narinig na dalawang conyo kids na nag-uusap. Eto usapan nila. Indi to verbatim ha. Basta ganito yung nilalaman ng usapan nila.

conyo kid 1: My professor says I need a blue book. Where can I buy it?
conyo kid 2: What's the title of that blue book?



HAHAHA. Nakakatawa lang. Yun lang.


Baw.



Previous 10